Wednesday, August 5, 2009

Panginoon, Ako'y Pakinggan

Panginoon, ako'y pakinggan
Puso ko'y puno ng kagalakan
Sa pananalig na lubos Mo akong minamahal
Kaya't papuri't pasasalamat sa tuwina'y inuusal
Aking nadarama ang wagas na pag-ibig Mo
Kaya naman ang puso ko'y inaalay sa 'yo
Di man sapat ang puso't buhay ko
O Panginoon, tanggapin Mo
ito lamang ang kayang-alay ko
Mahal kita, Panginoon, mahal kita!
Ulit-ulitin ko ma'y di ako magkasya.

No comments:

Post a Comment